Skip to content
SAMELCO II
Menu
  • Home
  • CORPORATE
  • SERVICES
    • POWER RATE GENERATION
      • GENERATION MIX RATE 2026
      • GENERATION MIX RATE 2025
      • GENERATION Mix Rate 2024
      • Generation Mix Rate 2023
      • Generation Mix Rate 2022
      • Generation Mix Rate 2021
      • Generation Mix Rate 2020
      • Generation Mix Rate 2019
      • Generation Mix Rate 2018
    • IMPLEMENTED RATE
      • IMPLEMENTED RATE 2023
      • IMPLEMENTED RATE 2022
      • IMPLEMENTED RATE 2021
      • IMPLEMENTED RATE 2020
    • Application Requirements
    • Online Survey
    • Online Bills Payment
    • ONLINE BILLS INQUIRY
    • App Privacy Policy
    • PAYMENT CENTERS
  • NEWS AND UPDATEDS
  • CONTACT US
  • ONLINE BILLS INQUIRY
Menu

HOUSE APPROVES POWER BLOC’S LIFELINE SUBSIDY AND MICROGRID BILLS

Posted on January 20, 2021

FOR IMMEDIATE RELEASE
19 JANUARY 2021

Isang malaking tagumpay ang nakamit ng Power Bloc matapos aprubahan ngayon sa ikatlo at huling pagbasa sa Kongreso ang dalawang panukalang batas na naglalayong paunlarin ang antas ng pagpapailaw sa kanayunan. Kabilang dito ang HB 8145 o An Act Extending the Implementation of the Lifeline Rate at HB 8203 o An Act Promoting the Use of Microgrid Systems to Accelerate the Total Electrification of Unserved and Underserved Areas Nationwide.

Ang HB 8145 ay panukalang-batas na isinumite ng mga representante mula sa Power Bloc upang mapalawig pa ang implementasyon ng Lifeline Rate. Ang Lifeline Rate ay isang subsidiyang ibinibigay sa mga marginalized o low income consumers na nahihirapan o walang kakayahang magbayad ng kuryente sa buong presyo nito.

Unang tinawag na HB 7059, isinumite ito noong Hulyo 2020 upang tumugon sa nalalapit na pagkapaso ng bisa ng Lifeline Rate Subsidy sa taong 2021. Matapos ang mga committee at plenary deliberation, ito ay inamyendahan ng mga mambabatas sa Kongreso at tinawag na HB8145. Ang pangunahing layunin ng panukalang ito ay ang pagpapalawig ng implementasyon ng lifeline rate subsidy ng karagdagang sampung taon o hanggang sa taong 2031.

Sa pamamagitan ng panukalang na ito, inaasahan na makakatulong ang lifeline rate sa ating mga kababayang nangangailangan ng interbensyon ng gobyerno upang matustusan ang araw-araw na bayarin.

Ang HB 8203 naman ay nagtataguyod ng pagkakaroon ng Microgrid Systems sa mga lugar na hindi lubusang naaabot ng linya ng kuryente. Ang Microgrid System ay ang pagsasama-sama ng iba’t ibang pinagkukunan ng kuryente at magkakakabit na ‘loads’ sa isang grupo na tumatakbo bilang isang yunit na namamahala sa distribution at subtransmission sa mga lugar na nangangailangan ng kuryente. Maaari itong kumunekta at kumalag sa main grid upang mapaandar ng nakakabit o sa sariling enerhiya.

Katuwang ng Power Bloc sa adhikaing ito ang mga rural electric cooperatives, lalung-lalo na ang mga nasa Small Power Utilities Group (SPUG) Areas upang ipaglaban ang kanilang karapatan sa pagkamit ng maaasahang suplay ng kuryente.

Kasalukuyang tinatalakay pa rin sa Kamara ang mga panukalang-batas na nauna nang isinumite ng Power Bloc. Patuloy na magsusulong ang mga Kinatawan mula sa Philreca Partylist, Apec Partylist, Recoboda Partylist, at Ako Padayon Pilipino Partylist ng mga makabuluhang panukala tungo sa pagkamit ng total rural electrification. Kabilang ito sa iba’t ibang mga hakbang na ginagawa nila upang masuportahan at makatulong sa mga konsumanteng patuloy na naghihirap sa gitna ng pandemya. Sinisuguro ng mga representante na walang kababayan ang mapagiiwanan hanggang tayo ay sabay-sabay na makaahon muli. ###

#OneECMCOMovement
#PowerBlocToday See Less

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

January 2021
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
« Nov   Feb »

Recent Posts

  • Invitation TO Apply for Eligibility & to Bid for Security Guards and Other MANPOWER Serivices
  • INVITATION TO BID SIMPLIFIED BIDDING (SEALED CANVAS)
  • Invitation TO Apply for Eligibility & to Bid for Various Warehouse Materials, Kwh Meters and Insulate Conductors(Tree wire)
  • INVITATION TO BID SIMPLIFIED BIDDING (SEALED CANVAS)
  • INVITATION TO BID SIMPLIFIED BIDDING (SEALED CANVAS)

Recent Comments

    Archives

    • March 2026
    • February 2026
    • January 2026
    • December 2025
    • November 2025
    • October 2025
    • September 2025
    • March 2025
    • February 2025
    • January 2025
    • December 2024
    • November 2024
    • October 2024
    • September 2024
    • August 2024
    • July 2024
    • June 2024
    • May 2024
    • April 2024
    • September 2023
    • April 2022
    • February 2022
    • December 2021
    • August 2021
    • July 2021
    • June 2021
    • April 2021
    • February 2021
    • January 2021
    • November 2020
    • July 2020

    Categories

    • blog
    • Implemented Power Rate
    • News and Updates
    • Power Interruption
    • Power Rates
    • Public Bidding
    • Uncategorized
    ©2026 SAMELCO II | Design: Newspaperly WordPress Theme